Pages

Friday, February 25, 2011

LIGAYA NG KALIGTASAN - Arnel De Pano (Lyrics)

Sa Duguang Kamay
Sa Sugatang Laman
Pinahayag Niya's walang imbot na pagmamahal
Sa sanlibutan na bawa't hakba'y ligaw
Binigay ang Kanyang buhay at pag-ibig N'yang banal

Kanino pa matatakot
Kanino pa masisindak
Ang tulad kong anki'y kaligtasan

Ang buhay ko ngayo'y walang kasing ligaya
Ang dati kong anyo ngayo'y Kanyang binago na
Tangan ko'y kaligtasan na isisigaw sa mundo
Sa bisig ni Hesus mahihimlay ang buhay ko.

Female:
Ang hiram kong buhay binigyan ng saysay
Hinubog Nya't nililok ayun sa Kanyang kalooban
Narito ngayon, tanggapin haing buhay
Ilaang tagapaglingkod ng Diyos at kanino man


Ang buhay ko ngayo'y walang kasing ligaya
Ang dati kong anyo ngayo'y Kanyang binago na
Tangan ko'y kaligtasan na isisigaw sa mundo
Sa bisig ni Hesus mahihimlay ang puso ko.